RUBEN TAGALOG O ILAW LYRICS

O ilaw,
sa gabing madilim
wangis mo'y
bituin sa langit;
O tanglaw,
sa gabing tahimik,
larawan mo, Neneng
nagbigay pasakit.

Tindig at magbangon
sa pagkagupiling,
sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing;
buksan ang bintana
at ako'y dungawin,
nang mapagtanto mo
ang tunay kong pagdaing.

justsomelyrics.com