PILITA CORRALES PAANO LYRICS

Paano kung wala ka na
Paano ba ang mag-isa
Mula ng makasama ka
Kung paano'y limot ko na

Paano ang pag-ibig ko
Kung di rin lang laan sa'yo
Ang buhay ng ating mundo
Di ko alam kung paano

Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa iyo
Paano ba ito

O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad nang lumuha at sa iyo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Paanong aking gagawin
Kung di mo na ako pansin
Kung ito'y panaginip din
Paano ba ang magising

Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa iyo
Paano ba ito

O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa iyo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paano ba aking mahal
Paano ba mahal
justsomelyrics.com