ROEL CORTEZ INIIBIG KITA LYRICS

Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko.

Kaya ngayo'y laging gulong gulo ang puso ko't isipan
Araw gabi ay pangarap ka at sa twina'y nababalisa
Dahil ba ang puso ko'y labis na umibig sa 'yo
Hanggang kailan matitiis ilihim ang pag-ibig ko

Chorus:
Anu ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana'y unawain ang pusong sa yo'y baliw
Nais kung malaman mo na INIIBIG KITA

Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko.

Chorus:
Anu ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana'y unawain ang pusong sa yo'y baliw
Nais kung malaman mo na INIIBIG KITA

justsomelyrics.com