BUKAS PALAD PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD LYRICS

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
at di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan.

Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo.
justsomelyrics.com