Noel Cabangon Uunahin Ko Kayo Lyrics
            Uunahin kita inay sa malubha mong karamdaman
            At kakalungin sa bisig ko ang mahinang katawan
            magdamag kitang babantayan sa luksa at lumbay ng kadiliman
            at ipapanalangin kong makita mo ang kariktan
        
            uunahin kita anak upang ika'y makapag-aral
            at sa bawat layunin mo'y karamay sa pagpapagal
            sa kandungan ng kapayapaan, sa landas ng pagkakapantay-pantay
            ihahanda ko ang daigdig sa masagana mong buhay
        
            mas mahalaga sa akin ang iyong kinbukasan
            ang mga mas pangunahin na mga pangangailangan
            ang pangarap nang marami sa mundo
            ay hindi ko hahayaang mabigo
        
            uunahin kita mahal sa munti nating tahanan
            dito sa lupang binubungkal, lupang ating kinagisnan
            at palagi kong pagsisikapan matagal na nating adhikain
            isang malayang sambayanan sa malayang lupain
        
            uunahin, uunahin ko kayo .. . .
        
See also:
JustSomeLyrics
51
51.61
Star Lyrics
Vangelis Tears in Rain [Music from Blade Runner] Lyrics