Joey Ayala at ang Bagong Lumad Agila Lyrics

nais kong lumipad tulad ng agila
at lumutang-lutang sa hangin
magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
nguni't ito ay panaginip langat maaaring di matupad

pagka't ang kagubatan ay unti-unting nawawala
mga puno nito'y nangingibang-bayan
at pag walang puno wala na ring mapupugaran
kapag ang agila'y walang pugad
wala na siyang dahilang lumipad

o haring ibon - hari kong tunay
nais kong tumulong
nang kaharian mo'y muling mabuhay

kung nais mong makakita ng agila
huwag kang tumingala at tumitig sa langit
pagka't ang mga agila nitong ating bayan
ang iba'y nabihag na
ang natitira'y bihirang magpakita

tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala

o haring ibon - hari kong tunay
nais kong tumulong
nang kaharian mo'y muling mabuhay

o haring ibon - hari kong tunay
nais kong tumulong
nang kaharian mo'y muling mabuhay

See also:

51
51.105
artist With a little help from my friends Lyrics
Charlie Daniels' Band The Devil Came Back Down to Georgia Lyrics