Joey Ayala at ang Bagong Lumad Sariwang Hangin Lyrics

sariwang hangin umihip ka
dahon ng puno'y dalhin mo na
sa kaibigang wala rito
naroon, naroon sa malayo

sariwang hangin umihip ka
ipaalala mo sa kanya
may punong-kahoy na naghihintay
sa dulo ng paglalakbay

at sa ilalim ng puno
may nag-iisang nakaupo
sariwang hangin naglalaro
sa mga dahon nitong puso

at sa sanga sa tugatok
kay raming bunga nangaalok
sariwang hangin pitasin mo
ang mga bunga nitong puso

sariwang hangin umihip ka
bunga ng puso'y dalhin mo na
sa kaibigang sinisinta
hinihintay, hinihintay kita

See also:

53
53.51
Harry Belafonte & Miriam Makeba One More Dance Lyrics
Acker Bilk Unchained Melody Lyrics