Eman Abatayo Wishing Lampara Lyrics

Gusto mong maging milyonaryo
Yung tipong tumama ka sa lotto
Gusto mo ng asawa
Yung paborito mo pang artista
Gustong magkamedalya
Ng di pumapasok sa skwela
Tol, asa ka pa
Kay genie na nasa wishing lampara

Si tatay mo doctor, si nanay mo abogado
Pero bakit ganun gusto mong maging superhero
Simple lang ng gusto mo kaso may problema
Saan ba makakita ng wishing lampara

[Chorus]
Wishing lampara, wishing lampara
Saan ba makakita ng wishing lampara
Wishing lampara, wishing lampara
Tol, maghihintay ka ba ng wishing lampara

Walong taon nasa college, daig mo pa doctoral
Di masagutan kahit ang basic integral
Tinakwil ka na sa campus, ilang batch na nagdaan
Di naman pumapasok, puro lang kalokohan

Kung wishing lampara ang 'yong hinihintay
Wala ka, kapatid, kelan pa sasakay
Sa byahe ng buhay maiiwan ka na
Ipapakilo mo na lang ang wishing lampara

[repeat Chorus]

Wishing lampara

Ang kinabukasan ay nasa palad mo
Wala sa simpleng bakal o nalulunok na bato
Ang iyong pananaw kapatid ay baguhin mo
Gawing posible ang pangarap na dapat para sa 'yo

[repeat Chorus]

See also:

59
59.15
DANIEL F El Misterio de Astillas Lyrics
The Tragically Hip A Beautiful Thing Lyrics