Iya Ginez Tanging Ikaw Lamang Lyrics

Parang nasa langit, naging makulay ang mundo
Parang mga awit ang mga tunog sa paligid ko
Nakikinig, naririnig ang tinig ng damdamin ko
Nais isigaw ang pag-ibig ko sa 'yo

Ako ay gumigising sa magandang sikat ng araw
Ika'y aking kapiling sa bawat kilos, sa bawat galaw
Nangingiti at nagwagi sa kapalaran kong natatanaw
Aking nakamit, ligayang di magugunaw

[Chorus]
Tanging ikaw lamang ang nasa puso ko
Natagpuan ko na ang hinahanap ko
Tanging ikaw lamang ang nasa isip ko
Tanging ikaw na nga ang liwanag ng buhay ko

Aking panaginip, aking hiling na matupad
Pag-asang sumilisip, ngayo'y nasa aking mga palad
Anong saya ang iyong dala, walang ibang hinahangad
Dahil sa 'yo, ako'y parang lumilipad

[repeat Chorus]

Ngayon ko lamang nadama sa buhay ko
Ang galak na dulot ng pag-ibig mo

Tanging ikaw lamang
Natagpuan ko na ang hinahanap ko
Tanging ikaw lamang ang nasa isap ko
Tanging ikaw na nga ang liwanag ng buhay ko

See also:

67
67.61
06. Aly & AJ Potential Breakup Song Lyrics
Mary Gauthier Different Kind of Gone Lyrics