Yoyoy Villame Hayop na combo Lyrics

sayawan sa aming baryo
orchestra ay nagkagulo-gulo
ang kanilang mga instrumento
ay luma at sintunado
ang drummer ay inuubo-ubo
hikain pa ang nagbabaho
saksoponista ay mga gago
taga tororot ay sira-ulo

trumpet ay kalawangin
barado at wala ng hangin
trombone ay yupi-yupi na rin
ang taga-ihip ay bungal ang ngipin
nagalit and mga barangay
orchestra'y kanilang inaway
dahil sa kanilang tugtog
na walang kabuhay-buhay

ipinalit ang hayop na kombo
baboy and nagbabaho
ang drummer ay aso
butiki ang nagpi-piyano
pusa ang organista
manok ang gumigitara
ayos din ang aming disko
sa tugtog ng hayop na kombo

nag-rock en roll and mga daga
nag-chacha ang mga palaka
nagalit ang kabayong bakla
kay kalabaw na tumutula
palakpakan ang surot at ipis
sa gagamba na nag-flying trapeze
ayos din ang aming disko
sa tugtog ng hayop na kombo
ayos din ang aming disko
sa tugtog ng hayop na kombo

See also:

68
68.37
skaparrapid L´horta sac Lyrics
SNIPER homme de loi Lyrics