Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Babae na Ako! Lyrics

ADA
Tingnan mo! Hoy, bakla!
Hoy Didi, tingnan mo at babae na ako!
May biglang dal'w___ tumubo dito sa dibdib ko!
Kurutin mo 'ko ito ba ay totoo?
Wala na pong kokontra
Ako'y isang dalaga
Tingnan mo... babae na ako!!!

Tignan mo! Hoy, ateng!
Hoy Didi, tingnan mo at babae na ako!
Wala na 'kong putotoy na lalawit-lawit
Wala na 'kong bigote na kailangan pa ng ahit
Wala nang ibidensiyang
Ako'y isang tsismosa!
Tingnan mo... babae na ako!

Babae na ako! (Too too roo!)
Babae na ako! (Too too roo!)
Isang ganap na bebot na!
Babae na ako! (Too too roo!)

Babae na ako! (Too too roo!)
Babae na ako! (Too too roo!)
Mula kilay hanggang kuko! (Too too roo!)
Babae na ako!

Ang taray na ng lola!
Sa akin nang korona!
Tingnan mo... babae na ako!!!
(I'm a gherl!)

DIDI
Oo na! Weno ngayon?!
Mukhang babae nga pero asal pa ring bakla
Di masyadong kagandahan, parang pangkaraniwan
Konti lang ang lamang mo sa 'kin
Masyado kang excited
Baka ka masamid
Puwede ba? Manahimik ka na lang!

ADA
Naiinggit ang bakla!
Naiinggit ang bakla dahil bakla pa rin siya!
Tingnan mong aking daliri hindi na mapurol
Pagmasdan aking leeg, wala nang adam's apol
Wala nang ibidensiyang
Ako'y isang tsismosa!
Tingnan mo... babae na ako!

Babae na ako! (Too too roo!)
Babae na ako! (Too too roo!)
Isang ganap na bebot na!
Babae na ako! (Too too roo!)

Babae na ako! (Too too roo!)
Babae na ako! (Too too roo!)
Mula kilay hanggang kuko! (Too too roo!)
Babae na ako!

Ang taray na ng lola!
Sa akin nang korona!
Tingnan mo... babae na ako!!!
(I'm a gherl!)

Ang taray na ng lola! (Ang ganda!)
Sa akin na'ng korona!
Tingnan mo... babae na ako!!!

See also:

72
72.26
Zion y Lennox Amor De Madre Lyrics
Wisin Y Yandel - Los Vaqueros Live 17 Quizas - Tony Dize Feat Ken-y Lyrics