Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Walang Ibang Pangarap Kundi Siya Lyrics

DIDI:
"Delisyus"
Braso pa lang ay ulam na
Bigyan mo 'kong tinidor at ng kutsara
Ang lalaking ito'y pinapaikot at ikot ang bahay-bata ko
Nakakatunaw ng laman!
Ay! Nakakainit ng ulo!

Ang nais kong asawa ay katulad niya
Malaki, matigas, magaspang...
Ako'y yayakapin niya sa kanyang mga braso
Care ko na lang kung madurog ako!

Siya lang ang panaginip ko, walang iba
Siya lang laman ng puso ko, buksan mo pa!
Siya lang...
Walang ibang pangarap kundi siya!

ADA
Sa ngiti pa lang ako'y nanginginig
Ako'y natatameme at namamanhid
Parang merong tsunami at earthquake at typhoon dito sa 'king dibdib!
Hindi pa yata ako handang makadama ng... pag-ibig

Ang nais kong asawa ay katulad niya
Matino, mabait, malambing...
Hindi niya 'ko ikakahiya, ako'y ipaglalaban
Di niya 'ko iiwan kahit pagtawanan

Siya lang ang panaginip ko, walang iba
Siya lang laman ng puso ko, buksan mo pa!
Siya lang...
Walang ibang pangarap kundi siya!

DODONG
Iniisip ko pa lang ako'y napapangiti
Pangarap kong kasintahan mahinhin at kimi
Tahimik at minsan ay matapang din, di pu-puwedeng lalampa-lampa
Ibibigay ko ang lahat sa kanya mula ulo hanggang paa

Ang nais kong asawa ay 'yong kakaiba
Kahit na kahit sino pa siya
Maniniwala siya sa mga pangarap ko na ligaw
Kapag nasa dilim siya ang aking ilaw

Siya lang ang panaginip ko, walang iba
Kailan kaya darating, kailan pa?
Siya lang...
Walang ibang pangarap...

ADA, DIDI AT DODONG:
Siya lang ang panaginip ko, walang iba
Siya lang laman ng puso ko, buksan mo pa!
Siya lang...
Walang ibang pangarap ...
Kundi ang hanap-hanap ...
Walang ibang pangarap kundi siya!

See also:

72
72.26
Mermelada Pesada Mercenario Lyrics
Natiruts 21 - Natiruts - Quero Ser Feliz Também (Ao Vivo) Lyrics