Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Nakakalokang Palakang Kokak Lyrics

TAONG BAYAN
"Mga kapit-bahay takbo! Iligtas niyo ang sarili ninyo!"

Saang lupalop ba 'to nanggaling?
At bigla na lang lumitaw?
Dambuhalang berdeng
Sinlaki ng sandaang kalabaw!

Saang lupalop ba 'to nanggaling?
Isang palakang galit na galit!
Iwasan niyo ang dila niyang
Pagkalagkit-lagkit!

Nakakalokang palakang kokak!
Sinusuyod ang bayan natin!
Nakakalokakang palakang kokak!
Tayo yata ang gustong kainin!

(INSTRUMENTAL)

SOLO 1
Ito na ang wakas, mga kababayan!

SOLO 2
Tayo'y masisimot, walang maiiwan!

SOLO 3
Tayong lahat ay magiging hapunan...

SOLO 4
Ng palakang ito!

TAONG BAYAN
Kailangan natin ng isang malakas na tagapag-ligtas!
Yung malaki ang braso, matibay ang dibdib
Yung hindi aatras sa anumang panganib!

(INSTRUMENTAL)

TAONG BAYAN
Ang mga bata! Ang mga matatanda! Takbo! Bilis! Baka maapakan kayo!

ZSA ZSA
Kung ayaw ninyong matapakan, magsitabi kayo, mga bobo!!

TAONG BAYAN
Tumabi raw kayo. Bilis. Bilis. Tabi. Tabi. Takbo!

ZSA ZSA
Diyos ko. Ang tatanga.

DIDI
Ano? Fight na?

ZSA ZSA
Sige na nga.

(Zsa Zsa fights the giant frog.)

ZSAZSA
Tumabi-tabi kayo ako ang bahala dito!
Huwag kayong matakot ang palaka'y pipigilan ko
Ako si Zsazsa!!! Zsazsa Zaturnnah!!!
Ako'ng magliligtas sa inyo-wo-woH!

TAONG BAYAN
Saang lupalop ba siya nanggaling?
At bigla na lang lumitaw?
Babaeng kulay rosas ang buhok
Na sinlakas ng sandaang kalabaw!

Saang lupalop ba siya nanggaling?
Sino ba'ng mag-aakala?
Ang tagapagligtas natin
Ay isang babae pala!

Ang pangalan niya'y Zsazsa
Zsazsa Zaturnnah!!! Zsazsa Zaturnnah!!!

ZSAZSA
Nahihilo na ang mokong. Madali lang pala ito. Isang banat na lang siguradong tigok na siya. Ay, puta! Dilaaaaaa!!!

(Zsazsa is a__aulted and grabbed by the frog's sticky tongue.)

ZSAZSA
Pakawalan mo ko. Naririnig mo ba ako? Malalagot ka talaga sa akin. Punyeta ka! Pakawalan mo ko! Akala mo maiisahan mo ako? Ganun?

ZSAZSA
Isaksak mo 'to sa baga mo!

(The tongue suddenly recoils. The frog swallows Zsa Zsa.)

TAONG BAYAN
Mahabaging langit! Kinain niya
Babaeng kulay rosas ang buhok! (Diyos ko!)
Katapusan ng ng mundo
Si Zsazsa Zaturnnah ay kanyang nilunok!

Ito na'ng katapusan, ang palaka ay nagwagi
Si Zsazsa Zaturnnah ay hindi na makabawi!
Ito na'ng katapusan, ang palaka ay nagwagi
Si Zsazsa Zaturnnah ay hindi na makabawi!

DODONG
Nakakalokang palakang kokak!
Sinusuyod ang bayan natin!

TAONG BAYAN
Nakakalokakang palakang kokak!
Tayo yata ang gustong kainin!

DIDI
Zsazsa...

ZSAZSA
(Inside the giant frog.) Iluwa mo ako ngayon din. Hayup ka. Ay, hayup ka nga pala. Saan mo ako dadalhin? Saan mo ako dadalhin? Yaak, ano 'to? Nagmamatigas ka pang walanghiya ka! Ang lakas talaga ng loob mo ...ang tanong...gaano kalakas?

(Ada starts stabbing the insides of the frog.)

ZSAZSA
Ano? Nasarapan ka ba? Eto pa! Hindi ka pa rin kuntento? Meron pa! Pagpyestahan mo ito.

(The frog spits Ada out. The frog falls flat on the ground.)

ZSAZSA
(To the dead frog.) Gago!

TAONG BAYAN
Saang lupalop ba siya nanggaling?
At bigla na lang lumitaw?
Babaeng kulay rosas ang buhok
Na sinlakas ng sandaang kalabaw!

Saang lupalop ba siya nanggaling?
Sino bang mag-aakala?
Ang tagapagligtas natin
Ay isang babae pala!

Ang pangalan niya'y si Zsazsa
Zsazsa Zaturnnah!!! Zsazsa Zaturnnah!!!
Ang pangalan niya'y Zsazsa ZATURNNAH!!!

See also:

72
72.26
Natiruts 21 - Natiruts - Quero Ser Feliz Também (Ao Vivo) Lyrics
los adolescentes anhelo252 Lyrics