Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Multo ng Nakaraan Lyrics

ZSA ZSA
Kay tagal na noon itay bakit ayaw pang kalimutan?
Hindi naman masama ang aking kinalabasan
Kahit papaano ako'y may narating
Kahit na hindi ang pinangarap mo para sa akin

Hindi naman maaaring ako'y sunud-sunuran lamang
At parati na lang tatanghod sa inyo

ADA
Kahit ang puso ko ba'y pipigilan?
Ang pagdurusa ko ay inyo ba'ng kaligayahan?

Paki-buksan ninyo ang puso niyo
Kahit kaunting siwang, pasilipin ako
Nag-iisang anak na sa iyo'y nagmamahal
Ang araw na ito'y matagal ko nang pinagdarasal

ADA/ZSA ZSA
Paki-buksan ninyo ang puso niyo
(Paki-buksan ninyo ang puso)
Tanggapin ng buo ang pagkatao ko
(Tanggapin nang buo ang pagkatao ko)
Ang pagkakataon huwag palalampasin
Ang araw na ito'y matagal ko nang pinagdarasal
Ang multo ng nakaraan ay atin nang kalimutan

ITAY ZOMBIE
Kahet kelan, hinde ko sha matatanggap! Mabote pang patayen ko na lang shareleh ko! Isha siyang shalot! Narereneg mo ba akoh? Shalot siya! Ishang shalot!

(The zombie "kills" himself by pulling out his own limbs and head.)

ZSA ZSA
Dugo man ang iluha ko'y walang magbabago
Kailanman di niya matatanggap ang kagandahan ko

ADA
Anong ba'ng naisip ko at ngayon pa ako umasa?

ZSA ZSA and ADA
Dahil kahit nung siya'y nabubuhay pa...
Malamig na ang puso niya...

See also:

72
72.26
Shaan Wajid and Soumya Rao Welcome Lyrics
Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Laman sa Laman, Buto sa Buto Lyrics