Julianne Tulak Ng Bibig Lyrics
            Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
            Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito
            Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip
            Tulog sa gabi, laman ng panaginip
            Mahal ba kita, o ano, ewan ko
        
            Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo
            Simula nang makilala di maipinta ngiti sa mata
            Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan
            Di ko maintindihan, bakit ngayon lang
            Kung kelan ang puso ko ay maselan
        
            [Chorus]
            Hindi mo lang alam
            Takot lang akong masaktan
            Iniingatan lang aking puso
            Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
            Di na sana tayo nagkakaganito
            Pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo
        
            Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
            Paikot-ikot lang, nalilito, oh ba't ganito
            Urong-sulong yan ang paborito
            Lilitaw, lulubog, 'tanong mo kahit sino
            Pakisabi na lang
            Ano ba talaga'ng gusto mong gawin ko
        
            [repeat Chorus]
        
            Pakiusap lang
            Wag mo na akong tignan nang ganyan
            Nakakatunaw ang iyong tingin
            Hinay-hinay ka lang, mahina ang kalaban
            Baka di na maiwasang mahulog nang tuluyan
        
            Hindi mo lang alam
            Takot lang akong masaktan
            Iniingatan lang aking puso
            Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
            Di na sana tayo nagkakagulo-gulo
            Pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo
        
            Hanggang dito na lang, hanggang dito na lang
        
            Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
        
See also:
JustSomeLyrics
76
76.24
Limbeck People Don't Change Lyrics
Shiroh Sagisu Cruel Angel Thesis Lyrics