TREZ-K ft.Missy & Gagong Rapper Sana Lyrics
            sana lahat ng pangarap ay makamit
            pangarap sa tuwina ika'y makasama
            tayong dalawa ay ma-ha-saya
            sana..sana
        
            habang namamasyal sa park hawak ang humpy Dumpy
            may bigla lang may natanaw, isang magandang binibini
            napangiti, sumunod aking mga mata
            hinangad na sana'y makilala ka at makasama
        
            sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap
            na sana'y habang buhay na kitang makakayakap
            o anong sarap kapag ikaw natatanaw
            sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw
        
            isasayaw ka na parang sa 'Huling El Bimbo'
            mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento
            ibibigay ko sa 'yo lahat ang luho
            basta't malaman mo lang na lahat ay hindi biro
        
            sana'y marinig mo, sana'y mapadama ko
            na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto
            sana'y malaman mo na meron sa 'yong naghihintay
            nandito lang ako magmamahal sa 'yo nang tunay
        
            nakakapagpabagabag, k__akalabukab
            sa damdamin ko kasi ako sa 'yo ay in lab
            naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap
            kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap
        
            sa alapaap, ako lagi nakatingin
            nananalangin sana ika'y mapasaakin
            simoy ng hangin, dumadampi sa 'king mukha
            hindi ko napapansin na 'ko pala ay tulala
        
            may himala pa ba sa akin na darating
            sana makasama ka at aking nang makapiling
            sa paggising, sa 'king pagmulat ng mata
            hinihiling ko lang sana sa 'kin nakayakap ka
        
            o sana, sana, sana, o sana talaga
            imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na
            sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina
            sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya
        
            sana lahat ng pangarap ay makamit
            pangarap sa tuwina ika'y makasama
            tayong dalawa ay ma-ha-saya
            sana..sana
        
            simula nang makilala ka at matanawan ka
            ikaw lang, girl, ang hinangad ko sa buong planeta
            sana damang-dama na, sana damang-dama na, ikaw lang 'di ba
            ano pa ba ang kailangan para ikaw ay makuha
        
            sana, aking sinta, ako ay iyong nakikita
            nang mapagmasdan mo talas sa 'king mga mata
            sinisigaw ng puso, sana ay marinig
            sinisigaw ng puso mula sa 'king pag-ibig
        
            lamig at himig na sa 'yo lang ilalalan
            walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan
            mahagkan na kita para ba 'kong nabaliw
            o aking giliw, ako sa 'yo'y naaaliw
        
            para bang paksiw, ikaw ang aking paborito
            basta't komplikado, pag-ibig ay totoo
            sana malaman mo na ang lahat para sa 'yo
            at 'yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo
        
            girl, nasaan ka na, kita mo ako'y nalulumbay
            halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay
            nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis
            makuha lang kita, handa na 'kong magtiis
        
            kahit ga'no pa katagal ang panahong lumipas
            sa 'yo ko lang ilalaan ang minuto at oras
            'pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot
            ikaw ang b__ura ng hirap ko at lungkot
        
            malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan
            ang matamis mong halik, kailan ko matitikman
            ako'y sabik sa iyong pagmamahal
            hihintayin kita kahit ga'no pa katagal
        
            maging hangal, okey lang 'yon, aking tatanggapin
            makuha lang kita at puso mo ay maangkin
            ibigin mo lang, para bang lumilipad
            sana pangarap kong ito lahat ay matupad
        
            sana lahat ng pangarap ay makamit
            pangarap sa tuwina ika'y makasama
            tayong dalawa ay ma-ha-saya
            sana..sana
        
            hindi kukupas ang pag-ibig ko sa 'yo, parang maong
            lagi kong sinasalat ang kamay mo, parang mah-jong
            dahil lulong ako sa 'yo na parang bisyo
            ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio
        
            pero sana, 'wag mo sana akong saktan
            sa ating relasyon, iyong loob tibayan
            'wag mong pakinggan, ha, ang mga humahadlang
            dahil ikaw ay akin at sila'y inggit lang, you know
        
            oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali
            pero alam ko rin naman na pag-ibig ay 'di madali
            pero hindi na mapakali na sana bukas
            ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas
        
            ang makatabi't makayakap ko, ikaw na sana
            ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana
            at sana, pakinggan mo awiting inaalay
            eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay)
        
            sana lahat ng pangarap ay makamit
            pangarap sa tuwina ika'y makasama
            tayong dalawa ay ma-ha-saya
            sana..
            sana lahat ng pangarap ay makamit
            pangarap sa tuwina ika'y makasama
            tayong dalawa ay ma-ha-saya
            sana..sana
        
See also:
JustSomeLyrics
80
80.91
Worship Station 01 - worship station - lode gloriosa - IL MIO DIO Lyrics
Alejandro Sanz Corazon partio unplugged L Lyrics