Sharon Cuneta Tubig at Langis Lyrics

Tubig at langis, ang katayuan nati'y yan ang kawangis
Pilitin mang magsam'y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntunan'y magkaiba

Langis at tubig, 'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang s'yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita,
May mahal ka namang iba

Chorus:

Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig ?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig ?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig

Repeat chorus:

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig ?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig ?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig

Ako'y langis, ika'y tubig
Ako'y langis, ika'y tubig

See also:

80
80.92
Öykü & Berk Evlerinin Önü Lyrics
Jon Crosby When We first Met Lyrics