PAG IBIG KOY PANSININ Lyrics

Narito ang pag-ibig ko
Ibibigay ng buong-buo
Nangangarap ng mag isa
Umaasa na makapiling ka

Narito ang buhay ko
Nakalaan para sa iyo
Naghihintay ng pag asa
Na sana ay iyong madama

Chorus:
Langit ka lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin
Ang pagibig ko sanay mapansin

Narito ang awit ko
Ang himig, nitong puso
Naglalarawan ng pag sinta
Nagbibigay ng sigla't saya

Repeat chorus

Ang pag tingin at pagmamahal
Damdaming iingatan ng kay tagal

Langit ka lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit di ko kayang sabihin
Ang pagibig ko sanay mapansin

See also:

81
81.32
Theme Fat Albert Lyrics
Duelo Ven Lyrics