Nikki Gil Sa Sakayan Ng Jeep Lyrics

Laging, laging naghihintay
Laging, laging nagbabantay
May kung anong kilig na nadarama
Sa tuwing nakikitang nag-aabang
Paggising ko bintanang tinutungo
Tinitignan kung nandoon na ang mahal ko
Umaasang maaabot ng tanaw
Habang naghihintay ng sakay nya

Dun sa sakayan ng jeep
Madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya
Sa sakayan ng jeep

Minsan nakitang naghihintay
Kunyari ako ang hinihintay
Ngunit nakitang may kasabay
Ang puso ko'y nagkagutay-gutay

Minsan kami ay nagkasabay
Nagkatabi ngunit walang saysay
Hindi na siya ang aking hinihintay
Lagi na ako ngayong may ibang kasabay

See also:

81
81.45
Musica Francesa 01 pista DOUCE FRANCE. Charles trenet Lyrics
Cradle Of Filth Gilded Cunt live orquest. London Lyrics