Smokey Mountain Anak ng Pasig Lyrics

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ng bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig
Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Chorus1:
Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Hanggang nakakita ako ng lumang litrato
Hindi maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito
(Repeat Chorus)

Chorus 2:
Anak ng Pasig naman kayo
tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat
Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran
(Repeat Chorus 1)
(Repeat Chorus 2)

Anak ng Pasig naman kayo
May bukas pa ang ating mundo .

See also:

82
82.95
monchi y alexandra obsession Lyrics
Fatal Bazooka Parle a ma main feat Yelle Lyrics