Lolita Carbon Bayan Ko/Sa Sariling Bayan Lyrics

Kay sarap mabuhay
Sa sariling bayan
Kung walang alipin
At may kalayaan
Ang bayang sinisiil
Bukas ay babangon din
Ang silanga'y pupula
Sa timyas ng paglaya!

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at pumipiglas
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas.
Pilipinas kong minimutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya!

(repeat last 4 lines)

See also:

82
82.98
Paganizer Shallow Burial Lyrics
Einai To Kryo Tsoyxtero Lyrics