Ric Manrique Jr. Bituing Marikit Lyrics

Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit

Lapitan mo ako, halina buitin
Ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw

See also:

82
82.99
Yadira Coradin He Tocado Tu Manto Lyrics
Mac Powell Love Lifted Me Lyrics