Marco Sison Isusumbong Kita sa Diyos Lyrics

Kapag ang dalawang puso ay natutong magmahal,
Makulay ang lahat ng bagay kung pagmamasdan
Gising ma'y mayroon ding panaginip
At isa't isa ang iniisip
Sadyang ganiyan kapag maghari ang pag-ibig.

Bawat isa'y mayroong pangako na sinumpaan
Na'di magtataksil abutin man ng kailanman
Kung wagas nyaring pagmamahalan
at kamatayan ay di hadlang
Walang wakas pagkat pag-ibig ko ay ganiyan

KORO:
Isusumbong kita sa Diyos
Kapag ikaw sa ating pag-ibig ay lumimot
Aanhin ngang pagmamahal kung di rin lang magtatagal
May isang pusong sa pag-ibig ay uhaw.
Isusumbong kita sa Diyos
Kapag hindi nasa akin ang iyong pag-irog
Mayroon pa nga bang halaga ang buhay kung nag-iisa
Ang nais ko kailanman ay tayong dalawa.

CODA:
Magdidilim ang langit kapag ikaw ay nawala
Ang araw ay hindi na makikitang may tuwa
Ang panahon paglisan mo'y tiyak na magluluksa
Sa puso ko tanging maiiwan ay luha.

(Ulitin ang KORO)

See also:

83
83.6
Charlie Matthews & The Royal Showband Somewhere My Love Lyrics
Verdad Que Duele Verdad Que Duele Lyrics