Various Artists Kapayapaan Lyrics

Nanaginip ako nung isang gabi
Na tayo ay nagkaisa
Mga alitan ay ating tinabi
At tayo ay nagkasama.
Ikaw, ako at ang buong sangkatauhan
Nagkatugma ang hangarin
Itigil ang dahas sa bawat sulok ng daigdig

Chorus:
Kapayapaan, ito'y ating pangarap
Siya'y dapat nating makamit
Kapayapaan, ito'y 'di panaginip
Kailangan nating makamit.

Kapayapaan ang kailangan.

Sakim at galit sa puso'y iwaglit;
Pag-ibig ating ibalik.
Mga alitan ay ating itabi,
Magusap tayo kapatid.

Kung nais natin ay baguhin ang mundo
Magsimula sa sarili;
Itigil ang dahas
Na pumipintig sa ating puso.

(repeat Chorus)

Halina't tayo'y muling magsama-sama
Anumang problema ay kayang-kaya
Kami, kayo, sila, tayong lahat magkaisa
Doon lamang tayo giginhawa

(repeat Chorus)

See also:

83
83.54
Dynamite Deluxe Zapzap Lyrics
Opwekking 509 - Zo lief had God de Vader ons Lyrics