Gary Granada Mabuti Pa Sila Lyrics

Mabuti pa ang mga surot,
Laging mayro'ng masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum,
Laging mayroong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayro'ng tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang mga lapis,
Sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis,
Maya't maya'y napipisil
Napaka-swerte ng bayong,
hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano bang wala ako na mayroon sila ?
Di man lang makaisa, habang iba'y dala-dalawa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong
Nasasabihin ng... mahal

Kahit ang suka ay may toyo
At ang asin ay may paminta
Mabuti pa ang lumang diyaryo
At yakap-yakap ng isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue
At laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo
Umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion
Lagi na lang kinakasal
Mabuti pa ang mga s_____er
Palaging may naghahabol
Ang aking lumang computer
Mayroon pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

See also:

83
83.56
Dead 60's Red Light Lyrics
T.I. T.I.-Whatcha U Know About That Lyrics