Nonoy Zuniga May Minamahal Lyrics

May minamahal bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan ng tapat

Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka ay anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng kasaysayan
Anong sarap, anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya't ako'y napaligaya
Ng tunay mong pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay nasa 'yo
Ningning ng mata
Lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog katawang tunay

Kapag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
Nakayapak sa ulap
Buong mundo'y nagagalak na mayroong
Nagtatalik na dalawang pusong nagmamahal

Kaya't tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo'y hindi magbabago hanggang may buhay

May minamahal
bawat taong may damdamin, may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa pa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal

Ooh may minamahal bawat taong may damdamin
Ay may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
Kaya't habang may pag-asa pa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon nang tunay na minamahal
Ooh may minamahal

See also:

83
83.60
Labi Siffre So Strong (Something Inside) Lyrics
Natusha El camaleon Lyrics