Sylvia La Torre Nasaan ka Irog Lyrics

Nasaan ka irog at dagling naparam ang 'yong pagmamamahal,
Di baga sumpa mong ako'y mamahalin.....
Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing,
Subali't nasaan ang gayong pagtingin....2X

Nasaan ka irog at natitiis mong ako'y mangulila
At hanap-hanapin ikaw sa alaala......
Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya
Ngayong nalulungkot, ngayong nalulungkot
Ay di ka makita.

Irog ko'y tandaan.....

Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo,
Mga sumpa't lambing pinaram mong buo.
Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't
Magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pag-irog. 2X

Nasaan ka irog, nasaan ka irog, nasaan ka irog!!!

See also:

83
83.71
Vicki Lawrence 70-The Night the Lights Went Out in Georgia Lyrics
The Sisters of Mercy (Vision Thing). More Lyrics