Cinderella Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib Lyrics

Mahal pala kita, ngayon ko lamang nadama
Kung kailan nawala saka hinanap ka aking, sinta
Ganyan pala ang umiibig, lagi ka ng nasasa-isip
Lagi kitang naaalala sa bawa't saglit

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin

Sa 'yong pagbabalik ibibigay ko ang langit
Wagas na pagsinta walang maliw na pag-ibig
Ganyan pala ang umiibig, lagi ka ng nasasa-isip
Lagi kitang naaalala sa bawa't saglit

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig

See also:

85
85.51
Tales of Symphonia ALMATERIA ~Vocal Mix~ Lyrics
Jahcoustix Senses Running Wild Lyrics