Inang Laya Titser Lyrics

t__ser genius ka kaya?
Bukod sa lesson plan may tesis pang ginagawa.
Lagari sa tahanan, kayod sa eskwela;
Wonder Woman ka ngunit wala namang laya.

t__ser ito ba'y himala?
Sa kay raming campus lagi kang nakikita;
nalilibot ang u-belt sa buong umaga;
Ito'y di hiwaga nagmo-moonlight ka lang pala.

t__ser, iyan nga ba'y tama?
Kakaunti ang kita at may take-home work ka pa.
Sa hirap ng buhay, ika'y part-time na tindera
ng mga PX goods, panty, bra, longganisa.

t__ser gumising na tayo.
Tayo'y ginawang tagabura ng boto.
Tagabenta ng ticket, tagahalo ng kalburo,
Nagsayaw pa sa airport ng wala namang sweldo.

t__ser, k__ilos na tayo
Ang edukasyon ay hindi gawang biro
Huwag nang magpaloko at magsawalang-kibo
Tayo'y kalahok sa pambansang pagbabago.

See also:

85
85.51
I'll Never Get Over You Getting Over Me Lyrics
Neil Diamond Neil Diamond - If I Never Knew Your Name Lyrics