Michael V. DJ Bumbay Lyrics

Ahoy! Ahay! Mga manoy mga manay!
Akong inyong lingkod DIDJAY VIDJAY
Nandito ako para maghanap-buhay
At your service DJ b__BAY

Pumili na kayo, maganda na mura pa
Ito ang aking mga paninda
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata.

Meron akong banig, kasya ang sampu
Wala lang hihiga, lahat nakatayo
Gusto mo plantsa, para sa damit?
Pero yung handle ang umiinit

Kung naiinitan, mag-electric fan
Ang umiikot ay yung katawan
Porselanang arinola, galing Pakistan
May factory defect sa loob ang hawakan
Break it down!

Meron akong kalan na gawa sa j__an
Lumalabas ang apoy doon sa pihitan

Kaha-de-yero para 'di manakawan
Pero hanggang ngayon hindi ko pa mabuksan

Bagong cellphone, tatak-NOKIA.
MOTOLITE ang tatak ng baterya niya

May T.V. rin ako, mura lng, brand new
Kaya lang ang screen merong grado
Halika na kayo wag kayong mahiya
Umiikot ako buong Maynila
Minsan naglalakad, minsan nakamotor
Four gives,five-six, libre door-2-door

I'm your friendly neighborhood hulugan
Didjay Vidjay 'wag nyong katakutan
Come on every all, come on every one
Sumabay sa tugtog DJ, break it down!

Ahoy!Ahay!Mga manoy mga manay!
Muling nagbabalik Didjay Vidjay
Ako ang traveling ukay-ukay'
At your service DJ b__bay

Maraming bago marami 'kong dala
Galing Amerika at buong Asia
Medyo may konting mga diperensya
Pero lhat original hindi pirata

Meron akong Rolex, uy, bagay!
Maraming diamonds, isa lng ang kamay

Brand new flat screen colored T.V.
Ang kulay ng palabas: itim at puti

May rubber shoes ako tatak Adidas
May factory defect sa loob ang sintas

Kailangan mo ng shoes, panterno sa barong?
Meron akong boots sa harap ang takong
Kung ang business mo ay construction

Mura lng, kuha na, de-pidal na pison
Masakit ang mata, pagod maghapon

Meron akong eye drop na roll-on
Bili na ng kutsilyo made in j__an
Ay! napakatalim lalo na yung hawakan

Gintong wallclock galing Switzerland
Pero baliktad, sa harap ang sabitan

Next time pagbalik ko
I will bring a lot more
Four gives,five-six, libre door-2-door
Pwede utang 'wag nyong kalimutan
Basta't wag niyo lng ako tatakbuhan
Kaya pag nakita nyo ko say "Hi!"
Ako'ng inyong lingkod Didjay Vidjay
But you can call me DJ b__BAY
Nagpapaalam, so long goodbye!....
babay!

Chiori Chiori
Adja Adja
Chiori Chiori

Hayayayay
Chiori hayayay

See also:

10
10.11
Thunderstone Swirled Lyrics
Rumaneca i Enchev Shatrata@BEHA Lyrics