Ai Ai Delas Alas Tanging Ina Nyo Lyrics

Hindi ko maintindihan kung bat sila ganyan
Minsan kami ang nakikita, pinag-uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tangi naming yaman
Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Gay impersonator ang nagging trabaho ko

Kay hirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang iyong pasensya
Pero kahit andyan ang problema
Para sa anak lahat ay kayang kaya
Dahil ako ang'¦

Tanging ina nyo na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Tanging ina nyo ang nag-aalaga, namamalantsa ng damit nyo
Nagpapaligo habang nagluluto ako
Nagpapakain, nag-aalaga sa inyo

Kinabukasan nyo ang laging iniisip ko
Ang mapag-aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay, isda at sago
Chicharon at ballot ay gagawin ko

At kahit na marami sa aking nag-aalipusta
Sabihin man nilang lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay pantay ang nadarama
Bilang mga anak dahil ako ang inyong ina

Kay hirap talaga kapag nag-iisa
Responsibilidad mo'y di basta basta
Kuryente, tubig, bayad sa kasera
Kung may sobra may baon sa eskuwela
Dahil ako ang'¦

Tanging ina nyo ang tumatayo bilang nanay at tatay nyo
Tanging ina nyo, nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan pag di naibigay ang gusto nyo
Mga kailangan

Tanging ina nyo na handing magtanggol pag inaapi kayo
Tanging ina nyo a ibibigay kahit buhay sa inyo
Ano man ang mangyari, nandirito ako
Hanggang huli

Tanging ina nyo
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo ako
Tanging ina nyo

See also:

92
92.86
05-My Funny Valentine Lyrics
2_Papi Sanchez Enamorame Lyrics