Freddie Aguilar Anak (New Version) Lyrics

Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila napapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Kahapon ay nilimot mo pati ang iyong masamang bisyo Laking pasalamat ng magulang mo
Ikaw nga ay tuluyang nagbago natagpuan ang sarili galaw ng isip mo matuwid na
Patuloy ang takbo ng araw at ikaw ay natutong pumili
Hindi naglaon at itinasyon lumagay ka na sa tatini

Pagkabinata mo'y natapos na malapit kanang maging ama kaya lalong nagsikap ng husto
Dumating ang iyong hinihintay 'sinilang ang panganay mo Parang langit ang 'yong nadama
Ngayon anak alam mo na kung anong pakiramdam ng maging isang ama
Ganyan din ang nadarama ng iyong ama't ina ng ikaw ay makita

Ngayon iyong naramdaman
Ngayon iyong naranasan
Ngayon iyong maiintindihan
Tama pala ang iyong ina
Tama pala ang iyong ama ngayon hindi ka na magtataka

Hindi pala birong maging magulang o ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang o ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang o ngayon ating dinaranas

See also:

92
92.95
Tobymac Lose My Soul/Afterparty Lyrics
David Frizzell & Shelly West Lost My Baby Blues Lyrics