MCGI-Saudi Tunay na Kaibigan Lyrics

I
Sabi nila mahirap matagpuan ang kaibigan
Kaibigang tapat at tunay na maasahan
Mabuti lang sayo kung mayroong pinakikinabang
Sa oras ng suliranin at kagipitan ika'y iiwan

II
Sari-saring tao ang naging kaibigan ko sa sanlibutan
Kasama ko sila palagi sa mga kalayawan
Ngunit bakit hindi ko matagpuan ang tunay na kaligayahan
Ang puso ko'y nagtatanong 'asan ba ang tunay na kaibigan

chorus
Dito ngayon sa bayan ng Dios
Kagalakang hanap ko'y nalubos
Tunay at tapat na kaibigan
Dito lamang pala matatagpuan
May pag-ibig na dalisay
Na s'ya kong kayamanan sa aking buhay

III
Kami ang mga magkakaibigan sa kasakdalan
Kung saan wagas at tunay ang pagmamahalan
Dito lamang pala sa bayan ng katotohanan
Ang Pag-ibig ni Kristo'y makakamtan

chorus
Dito ngayon sa bayan ng Dios
Kagalakang hanap ko'y nalubos
Tunay at tapat na kaibigan
Dito lamang pala matatagpuan
May pag-ibig na dalisay
Na s'ya kong kayamanan sa aking buhay

Adlib...

chorus
Dito ngayon sa bayan ng Dios
Kagalakang hanap ko'y nalubos
Tunay at tapat na kaibigan
Dito lamang pala matatagpuan
May pag-ibig na dalisay
Na s'ya kong kayamanan sa aking buhay

Coda..
Dito ngayon sa bayan ng Dios
Kagalakang hanap ko'y nalubos
Tunay at tapat na kaibigan
Dito lamang pala matatagpuan
Si Kristo ang Kayamanan ko sa aking buhay

ADDCIT-Qatar :D

See also:

99
99.111
Siebenbürgen Opacitas (Queen Of The Dark) Lyrics
Wisin & Yandel Feat Daddy Yankee dale paleta Lyrics