Siakol Miss, Miss sa Loob ng Jeepney Lyrics

Minsan, sumakay ako ng jeep
galing ng iskuwela
meron akong nakita
sumakay na magandang dalaga
kung manamit ay seksi talaga
at s.o.s ang dating
kaya naisipan kong magpa-cute
at magpapansin

O anong tuwa ko nang abutin ko,
ang kanyang bayad
para akong asong ulol
bawawaw na nagkakandarapa
halos magkanda
haba-haba-haba-haba,
Haba-haba-haba
Ang aking kamay sa
pag-abot ng kanyang sukli
sabay bigla akong nag-hi
"hi"

Chorus:

Miss miss sa loob ng jeepney,
sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney,
sana naman ako ay bigyang tingin
tingin naman dyan (2x)

Isa lang po ang aking problema
kung pano ko sya, makikilala
eh pumara ang jeep sumakay si lola
eh puno na pala
Kahit di ko gawain,
ako'y napilitan, lola dito ka na
at nang ako ay napasabit lang,
bigla ang bulong nya
'ingat ka, baka ka madisgrasiya'

Akoy na shock, sa care niya,
akoy na shock kasi concern siya
pumalakpak, ang aking tenga
plak plak plak,
ang sabi ng aking tenga

(repeat chorus)

pagdating sa dulo
biglang na trapik
mag banggaan daw sa kanto
Nagkabanggaan ang aming tingin
Nauwi sa mabuting usapin
Nagkabanggaan, nagkahabaan
ang aming usapan
Mula kababawan, hanggang kalaliman
di ko namalayan, sa pala'y papara na

Good bye good bye, ang sabi nya
good bye, good bye hanggang sa muling pakikita
Good bye, good bye, good bye,
good bye, good ba-ha-ha-hay

Nakalimutan kong itanong, pangalan nya
at tirahan nya
nakalimutan kong isulat
phone number nya, o beeper number nya
nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko
at tirahan ko
nakalimutan ko, nakalimutan ko, nakalimutan ko
pati bayad ko

(repeat chorus)

pa'no kita, hahanapin
pa'no kita, hahagilapin
eh hinabol ako ng driver na
sinasakyan natin,
kaya, kaya, kaya, kaya
nag 1-2-3 ako, takbo na!

See also:

110
110.70
Mulan Wonder Women Lyrics
Cri-Cri Los Caballitos Lyrics