narda kusina Lyrics

alas-sais na naman at
manonood ka ng balita
magsisindi ka ng yosi
at magsusunog ka ng baga

lumalamig ang sinaing
at wala paring ihahain
tuloy ang buga at
kulay abo na ang hangin

k__ukulo ang yong tiyan
nanunuyo ang lalamunan
umiinit ang kalan
ang ulam natin...nasaan?

alas dose na nga at
nagsasabon ka pa ng pinggan
pinapasma ang kamay,
pinupulikat pati ang isipan

nag-ring ang telepono,
ang boyfriend mong driver ng taxi
nakabalik na raw siya
pero meron siyang bagong babae...

k__ukulo ang yon tiyan
nanunuyo ang lalamunan...
nagpunta pa sa j__an,
aking ligaya...nasaan?

alas tres ng umaga,
nasa tuktok ng gusali
mag bubungee jumping
pababa, tatalon, walang tali

bubuka, luluwa, at
babagsakan ay s____to
sa wakas malalaman
dugo pala'y lasang adobo...

nakalabas iyong laman
ang apdo mo ay saan-saan
nagpunta pa sa j__an
aking ligaya...

k__ukulo ang yong tiyan
nanunuyo ang lalamunan
nagpunta pa sa j__an
aking ligaya...nasaan?

--emcynonymous--

See also:

112
112.37
marty robbins,&co. the hanging tree Lyrics
07 tuğba Özerk İzmir Lyrics