Unknown Dakilang Katapatan Lyrics

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Nagtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng ating pagkukulang
Biyaya Niya'y patuloy na laan

Katulad ng pagsikat ng gintong araw
Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan Niya'y aking pupurihin

KORO:

Dakila ka oh Dios tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay

Kaya o Dios Ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo'y walang hanggan

TULAY:
Dakila ka o Dios sa habang panahon
Katapatan Mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa kung
Kailanga'y hinahon
Pag-ibig Mong alay sa'kin
Noon hanggang ngayon
Dakila ka O Dios!

See also:

116
116.107
The Clarks Train Lyrics
Mayday Parade You Be The Anchor... Lyrics