Orion Hiram Na Tapang Lyrics

Wala na bang kabayo?
Lasing na ba kayo?
Tara bili pa tayo
Hanggang umaga 'to

Bangag na ang bahista
mapula na ang mata
wag munang humiga
baka ka masuka

Ansikip na ng dibdib
Taas na ng dugo
babaan nyo ang tagay
baka 'ko mamatay

Di na makaramdam
wala na ang kaba
lahat na ay nakita
white lady na pula

Chorus:
Sa apoy makipaglaro ka muna
ang apoy ay kaibigan
kung ikaw ay duwag bote ay buksan
HUMIRAM KA NG TAPANG!

Iba ay nagagalit
tigilan daw ang bisyo
nasaan daw ang magulang?
nandun nagtatanggero

wala kong magawa
lahat pinuna mo
wag kang makialam
hindi mo tagay 'to

[Chorus]

Manong, pabili
manong, isa pang bote
pabukas na rin ng tansan
hihiram lang ako ng tapang

Manong, pabili
manong, isa pang bote
pabukas na rin ng tansan
hihiram lang ako ng tapang

[Chorus]

See also:

119
119.84
Los Reyes Del Camino Ser Como Tu Lyrics
Calamaro Soy Gitano Lyrics