Mark Bautista Ngayon At Kailanman Lyrics

Ngayon at kailanman
sumpa ko'y iibigin ka
ngayon at kailanman
hindi ka na mag-iisa
ngayon at kailanman
sa hirap o ginhawa pa
asahang may kasama ka sinta
naroroon ako tuwina
maaasahan mo tuwina
ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo
nang maitadhanang ako'y
isilang sa mundo
upang sa araw-araw ay
siyang makapiling mo
upang ngayon at kailanman
ikaw ay mapaglingkuran hirang

bakit labis kitang mahal
pangalawa sa Maykapal
higit sa aking buhay

sa bawat araw ang pag-ibig ko
sa 'yo liyag
lalong tumatamis tumitingkad
bawat kahapon ay daig nitong
bawat ngayon
na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
kapag ang araw at bituin
ay di na matanaw
kapag tumigil ang
daigdig at din a gumalaw
subalit isang araw pa
matapos ang mundo'y
magunaw na

hanggang doon magwawakas
pag-ibig kong sadyang wagas
ngayon at kailanman

sa bawat araw ang pag-ibig ko
sa 'yo liyag
lalong tumatamis tumitingkad
bawat kahapon ay daig nitong
bawat ngayon
na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal
tangi sa Maykapal
ngayon at kailanman.

See also:

120
120.16
Super Juior M Marry U Lyrics
Luiz Gonzaga Algodão Lyrics