Jeepney Joyride Lilim Lyrics

Naglalakad sa ilalim ng araw
At hindi alam kung saan ako dadalhin
Sinusundan ko lang
Ang iyong tinig
Sana pakinggan ang aking himig
Ako'y nagpahinga
Sa ilalaim ng puno na
Umaasang nanjan ka na paggising
Ako'y nananabik sa iyong mga ngiti
Sana ikaw ay magbalik

Dapit hapon na
Hindi ka parin nakikita
At kahit abutin man ng umaga
Ako'y maghihintay pa rin
Sa iyong pagdating
Dito sa lilim

Ako'y nandirito pa rin
Sa dating tagpuan natin
Hanap ko ang iyong lambing
Hagkan hagkan ko
Mga alaala mo
Dito sa pugad ng puso ko
O kailan kaya kita makikita
Habang buhay na lang tulala
Siguro talagang ganyan
Parati ka na lang iniiwan
Kahit ayaw mong magpaalam

See also:

123
123.82
06 Non Appari Mai Lyrics
Bomfunk MC´s There Is Something Going On Lyrics