Gabay Siakol Lyrics

paririnig sayo pagdating mo sa mundo
ang katahimikan, malayo sa gulo
sa inosenteng mga mata
aking ipapakita wala ang kamunduhan
walang pangangamba

(refrain)
humawak ka lamang sa aking kamay
ng matuklasan ang ganda nitong buhay
iingatan ka't di pababayaan
gabay mo ako sayong kapaligiran

(chorus)
kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon
malayo sa dilim ng kahapon
hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon
mga batang naglalaro lang maghapon
simoy ng hangin, sari-saring tanawin
paligid na iyong tatahakin
pagkat walang sawa kitang aarugain
sa paraisong pinaglalagyan natin

padarama sayo
upang mahubog ng husto
ang kabutihan sa kapwa tao
at sa mura mong isipan
dapat ng malaman
na may diyos tayong na pasalamatan

humawak ka lamang sa aking kamay
ng matuklasan ang ganda nitong buhay
iingatan ka at di pababayaan
gabay mo ako sayong kapaligiran

kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon
malayo sa dilim ng kahapon
hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon
mga batang naglalaro lang maghapon
simoy ng hangin, sari-saring tanawin
paligid na iyong tatahakin
pagkat walang sawa kitang aarugain
sa paraisong pinaglalagyan natin

(repeat)

See also:

125
125.122
Sweet @ Heart 6 วันนี้...ฉันมีเธอ / สุเมธ & เดอะปั๋ง Lyrics
divlje jagode djavoli grad Lyrics