Gloc 9 Ayoko Na (1) Lyrics

Ayoko na tama na pwede ba sige na. 6x

Chorus:
Di ko alam kung bakit puro na lang pasakit
Di ko alam kung bakit puro hirap at galit
Di ko alam kung bakit laging tanong ay bakit
Di ko alam kung bakit parang ang layo ng langit

Sawang sawa na dahil...
Wala akong trabaho
Wala akong sinusweldo
Walang magandang auto
Di ako milyonaryo
Sa mga mayayaman
Sa mga mayayabang
Gusto ko na silang upakan
Gusto ko na silang banatan
Sa asin at patis
Laging nagtitiis
Lagi nang nakaposas
Lagi nang naka baras
Sa polo ko na butas
Sa pantalon ko na kupas
Wala man lang nagbukas ng pintuan sa dami ng dala nadulas.

Repeat Chorus

Di ko kaya dahil...
Walang mapagsaluhan
Sagad na ng lubusan
Nabaon na sa utang
Wala nang magpautang
Kahit pa magsumikap
Lalo lang humihirap
Lagi nang nakagapos
Punong puno ng galos
Laging inuutusan
Laging sunud-sunuran
Laging nagkakasala
Ayaw ko nang maniwala
Ayoko nang punasan bawat patak ng pawis pagod na naranasan
Sawa na ako sa buhay
Minsa'y gusto ko nang mamatay

Repeat Chorus

Siguro nama'y alam mo nang sinasabi ko
Lahat ng pangit na nangyayari sa buhay mo
Halika na sumabay ka sa liriko 'wag mo nang isipin
Ang mga problema mo ihataw mo ikembot mo
Bewang mo pag nalasing itulog mo habang sumasayaw sa awiting ito
Tayo na sa kabilang ibayo tanggapin ang aking payo
k__apit na parang tayo'y nakasakay sa kabayo
Alam ko na nababaliw ka na kaya bitawan mo na yan
Makakasakit ka pa.

See also:

16
16.94
Digimon Si tu lo Deseas Lyrics
Stratovarius 1. Hunting High And Low Lyrics