Gloc 9 Nginig Lyrics

Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim, Nanginginig
Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim, Nanginginig

Sa pagkagat ng dilim
Pagsapit ng gabi
Mga di mo inaasaha'y
Nariyan lang sa tabi
Bawat bulong ng hangin
Na para bang kay lamig
Pagdampi sa iyong balat
Ang siyang dulot ay nginig (ang siyang dulot ay nginig)
Pilit mong pinipigil
Na madapuan ng sulyap
Parang kang kinakausap
Ng isip mong mailap
Lagi mong tinatanong
Saan mang dako'y malikot
Ngunit sa iyong sarili
Ayaw malaman ang sagot (ayaw malaman ang sagot)

Sa bahay na bato may isang ale
nagrorosaryo, mata niya't nakapikit
napadilat at nagulat, umuungol na espiritu
(tulungan nyo po ako) nagtatatakbo ang ale

Hesusmaryosep, santa't santo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Alulong ng aso, taong kabayo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Multo!

Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim, Nanginginig
Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim, Nanginginig

Naglalakad sa kalye, ang isang lalake
Sa puno ng balete, may tikbalang at duwende
Napadaan sa may s____teryo, kahit saan nagkalat ang maligno
Laman-lupa, tikbalang, engkanto,
sari saring mga misteryosong elemento

Hesusmaryosep, santa't santo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Alulong ng aso, taong kabayo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Multo!

sumama ka sa 'kin, subukan nating alamin ang mga
bagay na di dapat alamin, gawin ang ayaw ng iba
buksan ang mga pintuan na, na kay gandang nakasara
kung kaya mong tagalan ang kababalaghan, at ang takot at alala
kapag ipinipikit ang mga mata mayroon ka bang nadarama
natatanaw sa bawat sa pagtalikod na para bang may gumagalaw
makapanghiyaw, hindi na malaman kung saan ang daan mo pabalik
binibilisan na ang bawat opera pero parang merong naririnig
tulad ng nginig.

Ikaw ba ay naniniwala sa kababalaghan
handa ka bang mabigla at kilabutan
Ikaw ba ay naniniwala sa kababalaghan
handa ka bang mabigla at kilabutan

Hesusmaryosep, santa't santo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Alulong ng aso, taong kabayo
Nanginginig ako (hi hi hi hi)
Multo!

Hi hi hi hi (hi hi hi hi)
hi hi hi hi (hi hi hi hi)
hi hi hi hi (hi hi hi hi)

See also:

16
16.94
New Order Blue Monday [1988] Lyrics
Lola Flores La luna y el toro Lyrics