GAGONG RAPPER Mahal Kita by: Gagong RApper Lyrics

Mahal kita sinta

Pag-ibig ko ay di mag-iiba

Sa puso kong ito'y ikaw lamang nag-iisa

Pagkatao ko ay iyong binago

Nagbago ang lahat-lahat dahil sa'yo

Buhay ko ay sa'yo ko lamang ilalaan

Kahit anong mangyari man ika'y ipaglalaban

Dahil sa katulad mong yan ay walang iba

Ikaw lang ang babaeng nagbigay saya

Sa aking buhay pagmamahal mong makulay

Na iyong ibinigay at sana wag ito'y mawalay

Dahil ikakamatay kung ika'y mawawala

Buhay ko ay mawawalan ng pag-asa

O anong saya pag ika'y nakikita

Kay ligaya ng aking nadarama

Mukha mo talagang walang kasing ganda

Mga nag-gagandahang mong mata

Ay napakagandang pagmasdan

Lalong nahuhulog yata ang aking kalooban

Buksan mo ang dibdib ko nang iyong malaman

Ang pagmamahal ko sa'yo na may katotohanan

Sa aking puso pangalan mo'y naka-tato

Hindi mabubura at hindi na mababago

Ang mga nilalaman nito para sa'yo

Ito'y ibibigay lamang sa katulad mo

*Minamahal kita aking sinta

Ang pag-ibig ko sa'yo ay hinding-hindi na mag-iiba

Buklatin mo man ang puso kong ito

Pangalan mo lang ang nakatatak dito [2x]

At sa ngayon tayong dalawa ay masaya

Dahil ang isa't isa ay magkasama

Tibayan ang loob kapag nalulungkot

Pupunasan ko mga luha mong mahuhulog

Dahil ako ay lagi mong nasa tabi

Mga problema mo'y wag ikulong sa sarili

Ako ay laging nandirito para sa'yo

Ako ang lalaking masasandalan mo

Sinusumpa ko hanggang sa dulo ng mundo

Magiging hawak-hawak pa rin ang mga kamay mo

Pinapangako hanggang sa ako ay mamatay

Ikaw lang ang isang babae sa aking buhay

[REPEAT * 2x]

Sana ikaw ay makasama sa bawat oras

At sa mga bawat araw na lumilipas

Di ko kaya na ika'y wala sa'king tabi

Mangyari man ako ay mawawala sa'king sarili

Kung tayong dalawa man ay magkakalayo

Aking ipaglalaban kahit ito'y ikamatay ko

Sasaluhin ang bala para sa'yo

Bubuwis ang buhay alang-alang para sa'yo

Papatunayan na mahal kita ng labis-labis

Sinisigaw ng puso ko pangalan mo Alexis

Pagmamahal mo na walang ibang kasing tamis

At sana naman ika'y hindi makuhang umalis

[REPEAT * 4x]

See also:

16
16.101
Pablo Tamagnini Amor Prohibido Lyrics
Gagong Rapper Missing You Lyrics