Basil Valdez Tuwing Umuulan At Kapiling Ka Lyrics

Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting b__abalot sa buong paligid twing umuulan

Kasabay ng ulan b__ubuhos ang yong ganda
Kasabay rin ng hanging k__akanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ulan ay tumila na?

[chorus 1]
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

[chorus 2]
Minsan pa ulan b__uhos ka't h'wag ng tumigil pa
Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

[chorus till fade]

See also:

17
17.50
Bane Bojanic Pola vino pola voda Lyrics
Ilegales solo te quiero amar Lyrics