Sharon Cuneta Sana'y Wala Nang Wakas Lyrics

sana'y wala nang wakas
kung pag-ibig ay wagas
paglalambing sa 'yong piling
ay ligaya kong walang kahambing

refrain
kung 'di malimot ng tadhana
bigyang-tuldok ang ating ligaya
walang hanggan ay hahamakin
pagka't walang katapusan kitang iibigin

chorus
kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
hindi kita maaaring iwanan

kahit ilang awit ay aking aawitin
hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
kahit ilang dagat ang dapat tawirin
higit pa riyan ang aking gagawin

sana'y wala ng wakas
kapag hapdi ay lumipas
ang mahalaga ngayon ay pag-asa
dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig

[repeat refrain]
[repeat chorus]

'di lamang pag-ibig ko
'di lamang ang buhay ko'y ibibigay
sa ngalan ng pag-ibig mo
higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko

See also:

25
25.10
Rowwen Heze Henk is enne lollige vent Lyrics
Dudu Nobre A Grande Família Lyrics