Vina Morales & Piolo Pascual Paano Kaya Magtatagpo Lyrics

Piolo:
Matagal na 'kong naglilihim sa iyo
Hangga't maari nga'y aking tinatago
Ang totoong damdamin
Ibig kitang makapiling
Kahit na iba ang kasama ko

Vina:
Kung alam mo lang ang nararamdaman
Ikaw ang laman ang aking puso't isipan
Kay tagal nating magkakilala
Ngayo'y iba man ang kasama
Naghihintay lang naman ako sa iyo

Chorus I

Duet:
Sana naman tayong dalawa
Pagtagpuin ng tadhana
Nang di na mawalay pa ang ating puso
Sana naman balang araw
Magmamahalan ako't ikaw
Paano kaya magtatagpo ang ating puso?
Paano kaya magtatagpo?

Bridge:

Piolo:
Nandito lang ako
Naghihintay ng pagkakataong
Ipadama sa iyo na kita'y iniibig

Vina:
Subukan kaya natin
At baka ngayon sakaling
Tayo'y talagang laan sa isa't-isa

Repeat Chorus 1

Chorus 2

Duet:
Sana naman tayong dalawa
Pagtagpuin ng tadhana
Nang di mawalay pa ang ating puso
Kahit kailan, balang araw
Kahit kailan, ako't ikaw
Kahit paano'y magtatagpo ang ating puso
Tayong dalawa'y magtatagpo

See also:

26
26.85
Sasa Matic Sad je kasno Lyrics
Adriana Calcanhoto Ser de Sagitário Lyrics