Andrew E. Ikaw (Humanap Ka Ng Panget Part 2) Lyrics

Intro:
Hay naku ayan kasi ano?
Ang hihilig sa magagandang lalake
Ang hihilig sa magagandaang babae
Ano napala niyo? Eh di wala din diba
Kaya kung ako sa inyo' makinig kayo sa sinasabi ko noon
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
'Yan ang dapat mong ginagawa kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this

Verse 1:
Disisais na taon o kay bilis iha
Nung una mong narinig ang aking kanta
Kay sarap balikan ginintuang nakaraan
Sa humanap ka ng panget ay nagkantahan

Minemorize sinaulo ng milyong-milyong katao
Na ang importante sa lahat ay ang pagkatao
At hindi ang itsura na nakakalinlang
Manloloko mandaraya kaya 'wag na rin lang

Binuwag ko na ang pagitan ng maganda at panget
Na mula noon nililibak at nilalaet
Kinukutya inaapi at nilalayuan
Minamaliit yinatawanan at tinatapak-tapakan

Pero not enymore,'di mo na mararanasan
Ang pandirihan ka na para bang isang basahan
Dahil tao ka na may dangal at halaga
Ganda ng ugali 'di makikita sa iba

chorus:
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what?)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah! Come on!)

Verse 2:
Kaya dahil sa humanap ka ng panget natupad
Pamilyang pinapangarap at hinhaangad
Kuntento sa asawa ngayon ay masaya
Kahit 'di sila mayaman, buhay ay maganda

And guess what loving-loving gabi at araw
Maligayang samahan ay talagang abot-tanaw
Hindi panandalian bagkos magtatagal
Humble may puso't nakinig sa aking pangaral

Dahil sa kanyang pamilya ang buhay masarap
Kuntento sya sa partner at di naghahanap
Ng iba you know why kase walang kwenta
What for?, para saan pa eh ok na

Mapagmahal sa pamilya (Kami ay mabait)
Kuntento sa asawa (At wala kaming kabit)
Oh di ba pinapangarap niyo yon
Ang magsama ang pamilya ng mahabang panahon

chorus:
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what?)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah! Come on! One more time now!)

Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what?)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah! Come on!)

VErse 3:
Pero sa mga lalake at babaeng 'di sa aken sumunod
Imbes na nagrerelax, ngayon sila'y nakaluhod
Mga lalake at babae na pinagtawanan ako
At niloko-loko nila ang awitin kong ito

Sila ngayon ang gabi-gabing binabangungot
Na sa asawa nila ay may umaasungot
Na ang lalake ay ginagawang hiwaga sa dilim
At sa asawang babae may ibang tumitikim

Sila 'tong di naniniwala sa kanta ni Andrew E.
Sila ngayon ang broken-hearted at broken family
Bugbugan, sakitan tapos no'n hiwalay
Depress lahat at gusto na nilang pakamatay

Kaya para lumigaya ang iyong buhay
(Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay)
Kung hinde (Sige ka, puso mo'y mabibiyak)
At ang 'di sumunod noon, ngayon umiiyak

chorus:
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what?)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko (Oh yeah! Come on! One more time now!)

Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa balat ng lupa (Say what, say what?)
Ikaw ang pinakamagandang (Ano?)
Babae sa buhay ko

See also:

32
32.83
J. Geils Band Sanctuary Lyrics
Violet Indiana ne me quitte pas Lyrics