Bukas Palad Awit ng Paghahangad Lyrics

O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Koro:
Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
(umaawit akong buong galak/umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.)

Aking kaluluwa'y k__akapit sa 'Yo,
Kaligtasa'y t'yak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari ang Diyos S'yang dahilan.
Ang sa Iyo ay nangakong galak yaong makakamtan. (koro)

See also:

32
32.84
Reuben Missing Fingers Lyrics
Barbie Almalbis Torpe Lyrics