Siakol Iniwan Mo Akong Nag-iisa Lyrics

Nasaan ka na ngayon

Ako'y palingon-lingon

'Di ko maintindihan kung bakit nagkagano'n

Iniwan mo akong nag-iisa

Verse 2:

Wala akong matanaw

Kahit isang langaw

Wala akong makausap

At walang gumagalaw

Iniwan mo akong nag-iisa

Chorus 1:

Iniwan mo akong nag-iisa

Dahil lahat ay iyong sinama

Kamag-anak, kapitbahay

Kaibigan at kaaway

Bakit hindi ka man lang nagtira, hah...

Verse 3:

Aking naalala no'ng kasama pa kita

Kahit wala sila, paligid ay ano'ng saya

Ito na ba ang tinatawag na karma?

Verse 4:

Ano ang nagawa at nandamay ka pa sinta

Ba't di na rin dumadaan ang tindera ng kutsinta

Na-miss ko rin ang naniningil sa mga utang ko

Chorus 2:

Iniwan mo akong nag-iisa

Dahil lahat ay iyong sinama

Mga artista, mga pulitiko

Mga botante at kandidato

Bakit hindi ka man lang nagtira, hah...

At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Bridge:

Sige na ibalik mo na sila

Kahit sino, kahit huwag ka na

Nang may makausap lang dito

At baka iwanan na rin ako ng malay ko

Chorus 3:

Iniwan mo akong nag-iisa

Dahil lahat ay iyong sinama

Pati sundalo, pati aktibista

Pati turista at terorista

Bakit hindi ka man lang nagtira hah...

At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

See also:

35
35.23
Infernal Majesty Overlord Lyrics
Angantyr Hadets Sorte Flamme Lyrics