GLOC9 Ft. Jp Cuison of Kiko Machine Torpedo Lyrics

pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita

Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo
Una kang nasilayan nang lumipat ka sa 'ming baryo
Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaibigan
Laging mong kakwentuhan sa manggahan ang ating tambayan
'Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit
Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik
Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw
Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw
Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama
Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya
At sinabi ko ang taong ya'y mapagkakatiwalaan
Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang

Chorus:

Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi

Verse II :

Lumipas ang sampung taon nasa Maynila ka na raw
Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw
At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi
Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti
Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa
Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon
Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon
Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon
Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon

( Repeat Chorus )

Verse III :

Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan
Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan
Ay may isang babae na sa'kin lumapit at nagsalita
Di nakapagsalita ako'y napatulala
Lubos ang aking ligaya, hindi makapaniwala
Siguro'y panahon na upang kami ay magkasama
Hinawakan ko agad ang kanyang malambot na palad
Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad
Ikaw pala'y ikakasal at sakin ay magpapaalam
'Di na nakuhang sabihin at sa'yo'y ipaalam
Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na
Sa pagtalikod ay may tumulong luha sa'yong mata

( Repeat Chorus )
( Repeat Intro 2x )

See also:

35
35.60
ДДТ Просвистела Lyrics
Temperamento Temperameto Intro (Album Lyrics